Feeds:
Posts
Comments

Archive for May, 2012

Ikaw

ikaw ay isang bukas na talinhaga
ng isang nakangiting umaga
hinamugan ng laksang
pag-aaruga – ikaw –
luntiang tanawin sa durungawan
ng nag-iisa
at nakapanikluhod
sa pagdaloy sa batisan
ng pagsinta.
ikaw ang talinhaga ng natatangi,
ang nag-iisa
sa hardin ng bulaklak
na kaydami – ikaw –
ang matimyas na indak
ng malambot na tangkay sa sigwa
ng lahat ng umaga.
ikaw ang talinhaga
ng umagang nakangiti sa unos
ang hardin at bulaklak na puspos
ng kalinga at pagsinta.
ikaw ang talinhaga
sa aking nakangiting umaga.
ikaw.

Advertisements

Read Full Post »