Feeds:
Posts
Comments

Struggling to Live

The underground economy of Tarlac City
November 21, 2011. Tarlac City

Advertisements

A Little Curious

Hindi magkamayaw ang paligid sa dami ng mga nagtitinda at namimili sa bangketa sa lansangang F. Tañedo sa Tarlac, bisperas ng Pasko, 2011. Ang batang ito ay nakakapit sa hita ng ina na abala sa pagtingin sa mga tindang pekeng alahas.

 Bakit nga naman aabalahin mo pa ang sarili sa paglulunsad ng mga pagsasanay sa mga tao upang mapaghandaan ang mga darating na sakuna, pwede namang ilaan ang perang gagamitin dito para ipambili ng bag ng pagkain at ipamigay sa mga biktima habang nakatutok ang kamera ng mga TV.
_____________________________________________________________________

Heto ang pinakamalupit na birong narinig ko: Matatag daw ang kahandaan ng Pilipinas pagdating sa mga sakuna! Opisyal na pahayag ‘yan ng palasyo sa pamamagitan ni Butch Abad, kalihim ng Department of Budget and Management. Patawa, ‘di ba? Bulag siguro ang mokong na ito ay hindi niya nakita ang epekto ng delubyo sa Iligan at Cagayan de Oro: libo mahigit ang nasawi, nawalan ng tahanan at bilyong imprastratura at panamin na nasira. Hindi naman siguro magsisinungaling ang epektong ito.

Ano kaya at si Abad mismo at lahat ng taga-Malacañang ang ipaanod natin sa rumaragasang ilog ng putikan doon at nang matauhan. Nakuha pang mambola sa gitna ng pagdadalamhati ng bansa sa trahedyang ito! Hindi nakakatuwang biro habang kasalukuyang pang inaahon ang mga bangkay sa ilog at dagat. Ang sarap pagbabatukan, ‘di ba?

Marami naman daw gagastusin para sa relief efforts atsaka hindi daw tinanggihan ni Noynoy ang P5 bilyong calamity fund noong 2011, nagpunto lang naman daw na dapat pagtuunan ng pansin ang dagliang pagtugon pagkatapos ng kalamidad. Tsk. Sana sila na lang ang inanod ng flash floods kasama ng mga troso para naman malaman nila pinagsasasabi nila.

Ilang delubyo na ang nagdaan. Ganun pa din ang kwento: Bagyo, baha, mga buhay na nawawala at mga pulitiko na tatayo sa harap ng kamera habang namimigay ng mga bag ng pagkain. Pero tila ay hindi na tayo natuto pagdating sa pakikitungo sa mga ganitong delubyo. Paulit-ulit ang kwento. Lintek, ano ba ang ginagawa ng mga taga-gobyerno? Kunsabagay, mas masarap ang makipagtawanan sa palasyo kasama  ni Valerie Concepcion kaysa alamin ang nangyayari sa lugar na sinasalanta ng bagyo.

Mas madali ding magbigay ng mga bag ng pagkain sa mga biktima ng delubyo habang nakatutok sa iyo ang kamera. Pogi ka pa sa  media, ‘di ba? Bakit nga naman aabalahin mo pa ang sarili sa paglulunsad ng mga pagsasanay sa mga tao upang mapaghandaan ang mga darating na sakuna, pwede namang ilaan ang perang gagamitin dito para ipambili ng bag ng pagkain at ipamigay sa mga biktima habang nakatutok ang kamera ng mga TV. Mas madali ang ganoon.

Samantalang sakit sa ulo at bulsa ang dadanasin mo kung i-oorganisa mo ang mga pamayanan upang sama-samang pakitunguhan ang mga sakuna, tulad ng mabilisan at organisadong paglikas bago pa man dumating ito.  Sakit sa ulo yan, iba pang usapin kung may political will upang gawin ito. Pero ibayong sakit sa bulsa naman ang kwento kung uugatin mo ng medyo may kalaliman ang dahilan sa likod ng mga dumaraming kaswalti sa mga delubyo.  Magkano ang kinikita ng mga pulitiko sa mining at logging (legal at ilegal)? Kaya bang patigilin ng mga taga-gobyerno ang mga ito kapalit ng kabuhayan at kaligtasan ng mga mamamayan? At bakit nila papatigilin e samantalang may Executive Order pa nga na inilabas si Noynoy para pwedeng makapag-logging ang mga korporasyong minahan na walang limitasyon!

Bakit mo pa iisipin ang mga iyan kung mas madali lang naman magpamahagi  ng mga bag ng pagkain at humingi ng tulong sa internasyunal na kumunidad?

Pwede mo din namang hiritin sa midya na sadyang matigas ang ulo ng mga Pilipino kung kaya imposible ang organisado at kolektibong pakikitungo sa mga dumarating na sakuna. Tapos, konti lang din malamang ang makikilahok sa mga pagsasanay hinggil dito, kasi uunahin ng mga Pilipinong hanapin ang kakainin nila mamaya kaysa sa kung anuman yang treyning na iyan. Mas epektib ang manisi.

Isipin mo nalang ang ginawa ni Fidel Castro sa Cuba noong dalawin ni Hurricane Ivan nung 2004 ang Caribean at South America. Super bagyo itong si Ivan at kinilalang pinakamalalang bagyo na dumalaw sa lugar sa loob ng 50 taon! Aba, mantakin mo ba namang ilikas niya ang 1.7 na milyong tao at italaga sa mga evacuation sites na punong puno ng mga pagkain, gamot, mga nurses at doktor! Ansakit sa ulo at bulsa ng ganito! Kahit pa nga ba sabihing walang namatay na Cubano sa pagdalaw ng bagyo, samantalang lubhang nasalanta ni Ivan ang mga karatig na bansa ng Cuba, hindi pa din tama ito kung pagbabatayan ang pahayag ng palasyo. Ang dapat na tuunan ng pansin ay ang pamamahagi ng relief goods at diyan asteeg ang pamahalaan ni Noynoy kasi may bilyon-bilyon daw tayong gagastusin para diyan!

Sabihin man na kapareho ng kategorya ng Cuba ang Pilipinas bilang “mahirap” na bansa, hindi mangyayari ang ginawa ni Fidel Castro sa atin. Kasi kailangan mong tanggalin ang mga minahang dayuhan at kailangan ng kultura ng sama-samang pagkilos at paglaban.  Hindi kaya ito ni Noynoy o kahit sino pang susunod na pangulo.

Pero kaya nating mga Pilipino ito. Konting tikom lang ng kamao.

If I were Neil Armstrong
first words
humanities would have heard
from the moon
would have been
“I love you”

linya sa aking tula nung college. LOL, mula noon, hanggang ngayun, korni ako

Kawalang Katiyakan

Halika

Samahan mo akong damhin at yakapin
ang indayog ng nagwawalang
panahon
at sabay nating lukubin
ang nagpipingkiang kulay na iniluluwal
ng mga paghamon:
ikaw at ako ay makikipagtitigan,
sa kabukiran ng nananalasang tungalian!

Nakakatuwa at Nakakalungkot

Habang sa kabilang dulo naman nito ay ang nakakalungkot na imahe ng kahirapan at ng kakulangan ng kalingang medikal at dental sa mga mamayan.
__________________________________________________________________________________________
Parehong nakakatuwa at nakakalungkot ang dumalo sa Medical-Dental Mission. Aatikihin ka ng makabilang-dulong pakiramdam na kapwa magpapasigla at pipiga sa iyong puso. Nakakatuwa dahil masaya sa pakiramdam ang tumutulong; hindi lamang dahil sa mabilis na pagbugso ng adrenalin dulot nang hindi magkamayaw na maraming pasyente at ng pangangailangang harapin sila kundi  dahil na rin mismo sa pakiramdam na may naitutulong ka. Habang sa kabilang dulo naman nito ay ang nakakalungkot na imahe ng kahirapan at ng kakulangan ng kalingang medikal at dental sa mga mamayan. Ang nagdudumilat na mukha ng kahirapan at kawalan ng atensyon mula sa pamahaalan ay mababanaag mo sa bawat mukha ng batang kulang sa nutrisyon at ng matatandang iginugupo kapwa ng edad at kumplikadong mga karamdaman. May naitulong ka sa isang araw na pagpapagod, may nabigyan ka ng mga gamot, pero hanggang kailan ito aabot?

Batang tadtad ng di-ko-alam-kung-ano-pero-makating-makati na sakit sa balat

Batang nakakatuwa dahil kahit hindi mo sabihing magpose siya, kusa siyang nagpose sa cam. Hawak-hawak niya ang dalawang kahon ng gamot mula sa misyon.

December 11, 2011 • Cutcut sa loob ng Hacienda Lusita, Tarlac City
(Teka lang, kala ko ba tagumpay ang Stock Distribution Scheme dito sa asyenda? Bakit andaming nangangailangan ng medical at dental attention?)